--Ads--
Nagliyab ang gusali ng parlyamento sa Kathmandu, Nepal noong Martes, Setyembre 9, 2025 matapos itong silaban ng mga kabataang nagpoprotesta.
Dahil dito napilitang magbitiw sa puwesto ang punong ministro kasunod ng ilang araw ng kaguluhan.
Pinangunahan ng mga Gen Z ang protesta na nagsimula noong Lunes laban sa ipinataw ng pamahalaan na pagbabawal sa paggamit ng social media apps at sa mga alegasyon ng korapsyon.
Hindi bababa sa 19 katao na ang nasawi sa tinawag ng mga grupong pangkarapatang pantao bilang isa sa pinakamadugong kilos-protesta sa nakalipas na mga taon.
--Ads--
Ayon sa ilang lider bumagsak na umano ang pamahalaan ng Nepal at nagtagumpay ang mga kabataan sa protesta.










