--Ads--

Ipinag pasalamat ni dating Integrated Bar of the Philippines President Domingo Egon Cayosa ang hindi pagpirma ni Senate President Vicente Tito Sotto sa ginawang rekomendasyon ni Senator Rodante Marcoleta na isailalim sa Witness Protection Program ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Cayosa, sinabi niya na nakakapagtaka ang hakbang ni Senator Marcoleta dahil halata namang nagsisinungaling ang mga Discaya gawa ng kanilang pabago-bagong pahayag na tila may pinagtatakpan.

Sakatunayan ay hindi “less guilty” ang mga Discaya dahil sila ay Co-conspirator o kasabwat sa mga naganap na katiwalian sa pagpopondo sa proyekto at bidding para sa mga contractor na gagawa nito.

Pagpapaliwanag niya tanging mga witness sa mabibigat na kaso o Grave Offense lamang ang maaaring isailalim sa Witness Protection Program at may direct evidence para patunayan o ituro kung sino ang utak sa krimen.

--Ads--

Batay sa batas hindi pasok ang mag-asawang Discaya para sa witness protection program dahil sila ay isa sa mga maituturing na Master mind.

Hindi dapat aniya gamitin ng mga Discaya ang kanilang pagtestimoniya para hindi masampahan ng kaso dahil ang isang testigo ay dapat mag lahad ng katotohanan at pawang katotohanan lamang anomang kasinungalingan na mabanggit ay pagpapababa ang kredebilidad ng kanilang testimoniya.