--Ads--

Sinimulan na ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Luna ang pagtatayo ng mga poste ng streetlights sa mga bahagi ng National Highway mula Brgy. Mambabanga hanggang Brgy. Harana na wala pang ilaw.

Kinumpirma ito ng Luna Police Station matapos nilang idulog ang serye ng mga aksidente sa madidilim na bahagi ng kalsada.

Ayon kay Deputy Chief of Police PLT Reynald Maddela, bagaman hindi mataas ang bilang ng vehicular accidents sa kanilang bayan, ito pa rin ang pinakakaraniwang insidente batay sa kanilang datos. Kaya’t nararapat lamang na bigyang solusyon ang mga salik na nagdudulot nito.

Ikinatuwa ng pulisya ang agarang aksyon ng LGU, at umaasa silang sa pagkakaroon ng ilaw ay mas magiging ligtas at maginhawa ang pagbiyahe ng mga motorista sa nasabing ruta.

--Ads--