--Ads--

Umupo na bilang bagong force commander ng 2nd Isabela Police Mobile Force Company ang multi awarded na Pulis na tubong Cauayan City, Isabela.

Nitong nakaraang mga linggo ay itinalaga si PLtCol Jerry Castillo bilang mangunguna sa 2nd IPMFC.

Dating hepe ng Novaliches Station 4 at nadestino sa Mindanao ang bagong opisyal bila miyembro ng Special Actiom Force.

Pinalitan niya si dating 2nd IPMFC Force Commander PMaj. George Maribbay na naupo lang noong Hunyo.

--Ads--

Ayon kay Ltcol Castillo, mas palalawigin nito ang aktibidad na ginagawa na ng mga sinundan niyang namuno sa mobile force.

Partikular na tutukan ng bagong opisyal ang territorial support sa hanay ng PNP Cauayan.

Kasama rin dito ang border control kung saan regular na magsasagaaa ng checkpoint ang mobile force company.

Ayon sa Force commander, critical ang ginagampanan ng border control upang agad na masupil ang mga gumagawa mga krimen.

Ito aniya ang mga tutukan ngayon ng kanilang hanay sa buong southern Isabela kung saan sakop ng 2nd IPMFC.

Nakiusap din ito sa publiko na huwag mahihiyang lumapit sa kanilang hanay kung kailangan nila ng tulong lalo na pagdating sa usapin ng police assistance.