--Ads--

Nakatakdang bumili ng sariling ambulansya o emergency vehicle ang Barangay District 3, Cauayan City upang matulungan ang Rescue 922 sa pag responde sa naturang lugar.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Lorenzo Mangantulao ng District 3, Cauayan City, sinabi niya na gusto nilang magkaroon ng sariling ambulansya upang agad na marerespondehan ang sino mang residente sa kanilang lugar na nangangailangan ng tulong.

Kasalukuyan na aniyang pinoproseso ang mga dokumento at umaabot sa P500,000 ang inilaang pondo para dito na inaasahang dadating first week ng Oktubre.

Sa katunayan ay mayroon na rin aniya silang mga kagamitan tulad ng first aid kit, oxygen, at mga gamot.

--Ads--

Nilinaw naman niya na hindi nila kinukwestyon ang kakayahan ng Rescue 922 sa pag responde, ang tanging intensyon lamang umano nila ay upang hindi na makaabala pa sa mga kasapi ng Rescue lalo na at napakaraming mga naaaksidente sa kanilang lugar.