Nasa pag iingat na ng Cauayan City Police Station ang isang babae na akusado sa kasong paglabag sa Section 7 ng RA 11934 o Sim regisitration act.
Sa ilalim ng inilabas na warrant of arrest ni Acting presiding judge Geronimo Ventura ng Second Judicial Region, Municipal Trial Court in Cities, inaresto ng mga awtoridad si alyas Ann sa Brgy. Cabaruan Cauayan City Isabela.
Aabot sa 60,000 pesos ang rekomendadong piyansa ng akusado para kaniyang pansamantalang paglaya.
Nakasaad sa Section 7 ng RA 11934 o sim registration act na bawal ang pagbebenta o pagtransfer ng mga rehistradong sim card upang maiwasan ang mga nangyayaring scams at iligal na aktibidad may kaugnayan dito at para matiyak na ang mga mobile phone users ay maging responsable sa kani-kanilang sim cards.











