Nakatakdang iproklama ng Commission on Elections (Comelec) si Gabriela 1st Nominee Sara Elago bilang ika-64 na winning party-list representative.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang desisyon na ito ay bilang pagsunod sa Party-list System Act (RA 7941) at maging sa constitutional requirement.
Paglilinaw ng poll body na ang dating bilang na 63 seats ay hindi sapat upang maabot ang 20% alokasyon para sa party-list groups sa Kamara dahilan para dagdagan pa ito at gawing 64 seats upang umabot sa 20.4%.
S asailalim muna sa isang Comelec en banc ang naturang usapin sa Miyerkules bago maglabas ng pinal na desisyon hinggil dito.
Samantala, nakatakda namang iproklama si Elago sa darating na Huwebes, isang araw bago matapos ang Comelec en banc.










