--Ads--
Ibinunyag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang umano’y ginawang pambabraso ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co upang mabigyan ng fish import permit ang tatlong kompanya, kabilang ang ZC Victory Fishing Corporation.
Isiniwalat ito ni Laurel sa pagdinig ng House Appropriations Committee kaugnay ng P176.7 bilyong panukalang budget ng Department of Agriculture (DA) para sa 2026.
Ayon kay Laurel, iginiit ni Congressman Co na maisyuhan ng permit ang tatlong kompanya upang makapag-import ng 3,000 containers ng isda, sa kabila ng nakalatag nang formula na patas at nakabatay sa siyensya.
Giit ni Laurel, nanindigan siyang huwag pagbigyan ang kahilingan ni Rep. Co.
--Ads--











