--Ads--

Nakahanda na ang Pamahalaang Lungsod ng Cauayan upang makiisa sa pagdiriwang ng International Deaf Day na isasagawa sa BGD Club House sa darating na Sabado, ika-20 ng Setyembre.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jonathan Galutera, Disability Affairs Officer ng Persons With Disability Affairs Office, sinabi niya na ang naturang programa ay maituturing na aktibidad para turuan ang mga may problema sa pagdinig upang manatiling mamuhay ng normal.

Kaugnay nito ay tuturuan din aniya ang mga ito sa pag responde o pag likas tuwing mayroong mga kalamidad.

Makakatuwang naman ng ahensya ang hanay ng Disaster Risk Reduction and Management Council, Private organizations, at Local Government Unit ng lungsod.

--Ads--

Mayroon din aniyang 51 na deaf participants sa naturang programa at hinihikayat ang mga hindi pa nakapagtala na makipag-ugnayan na sa ahensya.

Ayon pa kay Ginoong Galutera, tututukan nila ngayon ang mga deaf dahil ito ang sektor na kanilang pangunahing popondohan para sa 2026 budget.

Samantala, tuloy tuloy pa rin ang pamamahagi ng assistive device sa mga PWD kabilang na rito ang pamimigay ng hearing aid.

Batay sa talaan ng ahensya, isa na ang nabigyan ng hearing aid mula sa 140 na nabigyan ng assistive device.