--Ads--

Nakahanda na ang mga Family Food Packs at non-food items sa mga baybaying bahagi ng Isabela bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Bagyong Mirasol ngayong umaga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), tiniyak niyang handa ang ahensya sa posibleng epekto ng bagyo.

Aniya, naka-preposition na ang mga relief goods upang agad na maipamahagi kung kinakailangan. May sapat ring tustos ng reliefe goods ang mga bodega ng DSWD Region 2

May mandato na rin para sa disaster response at evacuation protocols, kabilang ang mga panuntunang ipatutupad sa mga evacuation centers kung saan pansamantalang mananatili ang mga ililikas.

--Ads--

Ayon pa kay Alan, inuuna ng DSWD ang coastal towns sa paglalaan ng ayuda dahil sa hamon ng transportasyon tuwing may bagyo.

Nagpaalala rin ang DSWD sa publiko na maging mapagmatyag at maghanda sa posibleng epekto ng Bagyong Mirasol, kasabay ng pagtitiyak na handa ang ahensya sa agarang pagtugon.