--Ads--

Nakatakdang magbitiw sa pwesto si House Speaker Martin Romualdez ngayong Miyerkules ika-17 ng Setyembre, ayon kay Antipolo City 1st District Rep. Ronaldo Puno.

Ayon kay Puno, nagpatawag ng pulong si Romualdez kahapon upang ipaalam ang plano nitong pagbibitiw bilang House Speaker kung saan inirekomenda niya si Isabela 6th District Representative Faustino “Bojie” Dy III bilang papalit sa kaniyang posisyon.

Ang pagpapalit ng liderato ng Kamara ay nag-ugat umano sa kontrobersya ng maanomalyang flood control projects sa bansa.

Batay sa mga ulat, pinayagan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibleng pagbaba sa pwesto ng kaniyang pinsan matapos ang naging pulong ng dalawa sa Malakanyang.  

--Ads--

Kagabi, napaulat na tinanggal na ang mga gamit at nameplate ni Romualdez sa kanyang opisina sa Batasang Pambansa Complex.