Maari nang makakuha ng digital ID ang mga senior citizen matapos itong opisyal na maisama sa mga serbisyong ibinibigay ng EGOVPh apo na dinevelop ng Department of Information and Communication Technology.
Kasunod din ito ng pagkaka integrate ng ibang mga digital services gaya na lamang ng LTO Digital ID.
Ayon kay System Analyst 2 Bryan Tomas ng DICT Isabela, ang mga bagong integrate na serbisyo ay maari nang magamit ng mga kababayan nating nangangailangan nito.
Aniya, maganda sana kung lahat ay magagawa ito lalo pa at hindi rin biro ang oras at pera na inilaan dito para mailagay ang mga serbisyong ito sa EgovPh app.
Ang mga digital ID ay valid nang gamitin dahil sa.ito ay coordinated sa mga opisina na nakakasakop dito gaya na lamang ng Land Transportation Office.
Bukod dito, ibinahagi rin ng DICT ang pagkakaroon ng serbisyo hub kung saan maaring makapagrequest ng iba’t ibang assistance ang ating mga kababayan.








