--Ads--

Naaresto ng pinag sanib na pwersa ng Maddela Police Station katuwang ang Quirino Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 2, at ang 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company ang isang wanted person na may kasong pangagahasa sa Brgy. Lusod, Maddela, Quirino.


Kinilala ang akusado na si alyas “Warly”, 38-anyos na naaresto sa bisa ng mga warrant of arrest para sa kasong Panggagahasa sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code na walang piyansang inirekomenda.

Nahaharap din siya sa 4 counts of Acts of Lascivousness sa ilalim ng Article 336 ng Revise Penal Code, bawat isa ay may kaukulang piyansang ₱120,000.00 para sa pansamantalang kalayaan.


Ang mga warrant of arrest ay inisyu ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 38, Maddela, Quirino, noong Setyembre 12, 2025.

--Ads--

Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang suspek sa Maddela Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ito ipasakamay sa kaniyang Court of Origin.