--Ads--

Mananatiling nakabukas ng kalahating metro ang isang spillway gate ng Magat Dam upang paghandaan ang inaasahang epekto ng bagyong Nando.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan ng department manager ng NIA–Magat River Integrated Irrigation System, bagama’t minimal pa lamang naman ang naitatalang ulan sa watershed ng dam, nakapaloob sa forecast ng PAGASA ang posibilidad ng mas malakas na pag-ulan sa mga susunod na araw dahil sa bagyo.

Sa kasalukuyan ang water level sa magat reservoir ay nasa 183.93masl habang ang inflow ay umaabot sa 585cms.

Nakabukas naman ang isang gate na may 0.5 meter opening at may spillway discharge na 75cms.

--Ads--

Kaugnay nito, hindi isinasantabi ng pamunuan ng Magat Dam ang posibilidad na magpakawala pa ng karagdagang tubig kapag naranasan ang mas malakas na pag-ulan.

Tiniyak naman ni Ablan na handa ang kanilang dalawampu’t limang early warning system na nakalagay sa kahabaan ng Magat River upang agad na maabisuhan ang mga residente sakaling magkaroon ng pagbabago sa sitwasyon ng dam.