--Ads--

Nananatiling nasa blue alert status ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa lalawigan ng Cagayan bilang paghahanda sa epekto ng bagyong Nando.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PDRRM Officer Rueli Rapsing ng Cagayan, sinabi niya na sa ngayon ay naka-prepositioned na ang mga stockpile ng goods and non-good items sa mga barangay local government units.

Maliban dito ay naka-prepositioned na rin ang kanilang mga personnel at assets upang umasiste at tumugon sa pangangailangan ng publiko.

Panghunahin naman nilang tututukan ang Calayan Island at ang mga coastal and mountanous areas sa Cagayan na mayroong banta ng storm surge.

--Ads--

Dahil dito ay nakipag-ugnayan na sila sa kanilang mga assisting agencies na I-assign ang Marine Battalion Landing para sa coastal towns habang mga kasundaluhan naman ang made-deploy sa mga bulubunduking lugar.

Bukas ng Linggo ay magkakaroon sila ng Pre-disaster and Risk Assessment (PDRA) upang mailatag ang mga dapat paghandaan sa paparating na bagyo. Dito rin matutukoy kung magkakaroon ba ng pagtaas sa alert status sa Lalawigan.

Isa naman sa kanilang pinangangambahan ay ang pag-apaw ng tubig sa Cagayan River lalo na at sa Cagayan ang nagsisilbing catch basin ng mga pag-ulan sa upstream.