Mas lalo pang lumakas at ngayo’y isa nang ganap na Super Typhoon ang bagyong Nando habang nasa karagatang sakop ng bansa.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 535km Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 185km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot ng 230km/h habang kumikilos pa-westward sa bilis na 15km bawat oras.
Sa ngayon ay nakataas na ang tropical cyclone wind signal number 2 sa bahagi ng Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, northern and eastern portions ng Isabela (San Mariano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quezon), Apayao, eastern portion ng Kalinga (Rizal, City of Tabuk, Pinukpuk), northern portion ng Ilocos Norte (Vintar, Carasi, Adams, Dumalneg, Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin).
Signal number 1 naman sa Nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig), northern at central portions ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, San Jose City, Pantabangan, Bongabon, Laur, Gabaldon, General Mamerto Natividad, Rizal, Llanera, Talavera, Science City of Muñoz, Santo Domingo, Talugtug, Palayan City, Cuyapo, Nampicuan, Guimba, Licab, Quezon, Aliaga, Cabanatuan City, Santa Rosa, Zaragoza, Jaen, San Leonardo, General Tinio, Peñaranda), northern at central portions ng Tarlac (San Jose, City of Tarlac, La Paz, Victoria, Gerona, Paniqui, Moncada, San Manuel, Anao, Ramos, Pura, Camiling, San Clemente, Mayantoc, Santa Ignacia), at Aurora.
Batay sa track at intensity outlook ng bagyo, maaaring lumapit nang husto o di kaya’y mag-landfall si Super Typhoon Nando sa bahagi ng Batanes o Babuyan Islands bukas ng hapon o gabi, ika-22 ng Setyembre.
Inaasahan naman itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa madaling araw ng Martes, Setyembre 23.











