--Ads--

Isa Person With Disability o PWD ang pinaniniwalaang nalunod sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Nando sa bahagi ng San Mariano Isabela.

Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa kaanak ng biktima napag-alaman na naglalakad ito sa tabing ilog ng aksidente itong nadulas pababa na naging sanhi ng kaniyang pagkalunod.

Ayon kay Pmaj. Renz Marion Baloran, hepe ng San Mariano Police Station isang concerned citizen ang nag-ulat sa kanila kaugnay sa pagkakatagpo sa bangkay ng babaeng biktima sa ilog.

Sa katunayan isinailalim sa post mortem examination ang katawan ng biktima para matukoy ang sanhi ng pagkasawi nito. Mulia ay pinayuhan ng PNP ang publiko na manatiling alerto at handa ngayong may sakuna.

--Ads--

Muling pinaalala na umiiral ang liqourban kaya ipinagbabawal ang pag-inom ng nakalalasing na inumin.