--Ads--

Sumampa na sa 17,322 pamilya o  23,481 na individuals  na ang naitalang apektado ng pinagsama samang epekto ng Habagat, Marisol at Super Typhoon Nando sa sa Region 2

Pinakamarami ang inilikas sa  Cagayan na may 4,173 pamilya o 12,813 katao, Isabekla na may 2,636 families o 9351 katao, Batanes na may 220 pamilya  o 596 individuals at  Nueva Vizcaya  na may 157 o 307 individuals.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DSWD Regional Director Lucia Alan, sinabi niya na umabot na sa 6,627 pamilya o 21,453 ang displaced popoulation mula sa 218 Barangays dahil sa pekto ng sama ng panahon.

Sa ngayon nanatili sa 160 evacuation centers ang nasa  3,379 affected families or 10,513 na katao habang pansamantalang nakisilong naman sa kanilang kaanak ang nasa 927 families or  2, 585 na katao.

--Ads--

Sa kabuuan ay nakapagbigay na ang DSWD Region 2 ng 878,184.81 halaga ng assistance na binubuo ng   family food packs, maliban pa sa prepositioned non-Food Items at modular tents na ipinamahagi sa mga evacuation center para kahit papaano ay mapangalagaan ang privacy ng mga evacuees.