Ganap nang naging bagyo ang Low Pressure Area sa silangan ng Southern Luzon at tatawaging “OPONG” sa sandaling pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong hapon o gabi.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyo ay nasa layong 1,075 km silangan ng Eastern Visayas, taglay ang lakas ng hangin na 55 km/h at bugso na umaabot sa 70 km/h. Ito ay kumikilos pa-kanluran sa bilis na 35 km/h.
Inaasahang papasok sa PAR ang bagyo at tatahakin ang direksyong west-northwest patungong Eastern Visayas at Southern Luzon. Inaasahang tatawid ito sa mga rehiyon ng Bicol, CALABARZON, at MIMAROPA mula Biyernes hanggang Sabado, bago lumabas ng PAR sa Sabado ng gabi.
Habang nasa Philippine Sea, inaasahang lalakas pa ang bagyo at maaaring umabot sa kategoryang tropical storm pagsapit ng Setyembre 24. Dahil dito, inaasahan ang pagtaas ng Wind Signal No. 2 sa ilang bahagi ng Southern Luzon at Eastern Visayas, at posibleng umabot pa sa Signal No. 3 kung magpapatuloy ang paglakas nito.
Bagaman wala pang direktang epekto sa panahon, inaasahan ang pag-ulan sa Eastern Visayas simula Huwebes, Setyembre 26. Posibleng magtaas ng Gale Warning sa Eastern Visayas at Bicol Region dahil sa inaasahang malalakas na alon at masungit na panahon sa baybayin.
Pinapayuhan ang lahat, lalo na ang mga lokal na pamahalaan at disaster risk reduction offices na patuloy na mag-monitor sa mga susunod na abiso mula sa PAGASA.





