--Ads--

Pumalo na sa 14,733 pamilya o 47,068 indibidwal ang naapaektuhan ng Super Typhoon Nando, at bagyong Mirasol mula sa 408 na barangay sa Lambak ng Cagayan.

Ito ay kinabibilangan ng 220 pamilya sa Batanes, 11,270 pamilya sa Cagayan, 2,279 pamilya sa Isabela, 267 pamilya sa Nueva Vizcaya, at 191 pamilya sa lalawigan ng Qurino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2, sinabi niya na mula sa nabanggit na datos ay 5,732 pamilya o 17,583 indibidwal ang nakisilong sa mga evacuation centers habang 2,484 pamilya o 7,897 katao naman ang nakituloy outside evacuation area.

Sa ngayon ay may naipamahagi na silang naipamamahagi na family food packs na nagkakahalaga ng P4,007, 782.27 habang umabot na sa P105,379 ang mga naipamahaging non-food items.

--Ads--

Inaasahan namang mas madaragdagan pa ang mga hawak nilang datos lalo na at nagpapatuloy ang pagkuha nila ng report sa mga apektadong lugar.

Dahil sa down ang linya ng komyunikasyon sa Calayan Island kung saan nag-land fall ang Super Typhoon Nando ay kinakailangan nilang magpadala ng mga personnel doon upang inspeksyunin ang naitalang pinsala ng bagyo at masuri kung anong tulong ang kailangan ng mga apektadong indibidwal.

Para sa mga partially and totally damaged houses ay pangungnahan ng DHSUD o Department of Human Settlements and Urban Development ang pamamahagi ng assistance sa mga nasiraan ng bahay.