--Ads--

Nagbitiw sa kaniyang puwesto bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Kinumpirma ito ng staff ng alkalde ilang oras matapos ianunsiyo ng Malacañang na inaaral pa lamang nila ang kaniyang appointment dahil sa umano’y conflict of interest.

Isinumite ni Magalong ang kaniyang resignation letter kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre 26, 2025.

Nakasaad sa sulat na hinding-hindi niya pababayaan ang pangunahing responsibilidad na inaatang sa kanya ng kanyang mga constituent sa Baguio City, na siyang sentro ng kanyang paninilbihan bilang lingkod-bayan.

--Ads--

Una nang sinabi ng Malacañang na kanilang pinag-aaralan nang mabuti ang appointment ni Magalong sa ICI, dahil bawal sa ilalim ng batas ang sabay na paghawak ng dalawang posisyon sa gobyerno.