--Ads--

Itinaas na ng Office of Civil Defense (OCD) ang Red Alert Status sa buong Central Visayas kasunod ng naranasang magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.

Pinagana na rin ang virtual emergency operations center para sa aktibong monitoring ng mga kaganapan sa ground.

Batay sa inisyal na assessment, pinakaapektado ng pagyanig ang hilagang bahagi ng Cebu.

Tiniyak naman ni OCD 7 Director Joel Erestain ang kahandaan ng response clusters na rumesponde kung saan nakipagpulong na umano siya kay Cebu Governor Pamela Baricuatro para rito.

--Ads--

Mula naman sa Regional Disaster Risk Reduction Management Office monitoring center, nagtungo ang Gobernador sa Provincial Police Office para patuloy na bantayan ang sitwasyon sa probinsya.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nagpapatuloy pa rin ang ginagawang search and rescue operations sa mga naapektuhan ng pagyanig sa Visayas.