--Ads--

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi konektado ang tumamang malakas na magnitude 6.9 na lindol sa Cebu sa pagsabog ng bulkang Taal ngayong Miyerkules, Oktubre 1.

Ayon kay Phivolcs Director Dr. Teresito Bacolcol, paminsan-minsan ay pumuputok o nag-aalburoto talaga ang naturang bulakan.

Batay sa datos, mahigit 90 phreatic at phreatomagnetic eruptions na ang naitala sa bulkang Taal simula noong Abril ng nakalipas na taon.

Sa ngayon, nanatili ang Taal sa Alert Level 1, na nanganga­hulugang abnormal pa rin ang kondisyon nito na may mababang antas ng volcanic unrest.

--Ads--

Pinapaalalahanan naman ni Bacolcol ang publiko na manatiling mapagmatiyag dahil posible pa ring maranasan ang biglaang pagsabog, volcanic earthquakes, manipis na ashfall, at pagbuga ng nakakalasong gas ng bulkan.

Kung matatandaan, tumama ang malakas na lindol kagabi sa Cebu bago mag-alas-10 habang ang minor phreatomagmatic eruption naman sa bulkang Taal ay naitala kaninang madaling araw dakong pasado alas-2 ngayong Miyerkules.