--Ads--

Kabilang sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Filipino Canadian actor Manny Jacinto sa prestihiyosong TIME100 Next 2025 list ng TIME Magazine, na kinikilala ang most influencial rising stars sa buong mundo.

Itinampok si Sotto, 36-anyos, sa Leader’s category dahil sa kanyang makabago at tapat na pamumuno sa Pasig. Samantala, itinampok naman si Manny Jacinto sa Artist’s category dahil sa kanyang husay at versatility bilang aktor.

Kilala siya sa mga papel bilang Jason Mendoza sa The Good Place at Eric Reyes sa Freakier Friday. Sa tribute ni Emmy-winning writer Alan Yang, binigyang-diin hindi lamang ang galing ni Jacinto sa pag-arte kundi pati na rin ang kanyang mabuting pagkatao.

Ang TIME100 Next, na inilunsad noong 2019, ay nagbibigay pagkilala sa mga bagong lider sa larangan ng politika, sining, teknolohiya, kalusugan, at klima.

--Ads--

Kasama rin sa listahan ngayong taon sina digital harassment advocate Elliston Berry, Gen Z Māori leader Hana-Rawhiti Maipi-Clarke ng New Zealand, at Thai golf sensation Jeeno Thitikul.