Nanatiling naka monitor ang MDRRMO Palanan sa lagay ng panahon lalo at nanatiling kalmado ang sitwasyon doon sa kabila ng banta ng Bagyong Paolo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LDRRM Assistant John Bert Neri, sinabi niya na kahapon nakapagsagawa ng sila ng Pre-Disaster Risk Assestment at kanselado na rin ang nakatakda sanang district Meet gayundin ang pasok sa paaralan mula Kindergarten at Senior High School.
Maliban dito nakapag bandilyo na rin sila sa mga coastal Barangay maging sa mga flood prone areas para makapag handa ang mga residente.
Sa ngayon hindi nila inaalis ang posibilidad ng pre-emptive at force evacuation sa Barangay Culasi dahil sa banta ng storm surge o daluyong sa oras ng pagtama ng Bagyo habang naka alerto na rin ang Coast Guard sub-station sa lugar para sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon.
Nakaantabay na rin ngayon ang mga ipapamahaging Family Food Packs sa mga mangingisdang maapektuhan sa umiiral na “No Sail Policy” dahil sa bagyo.
Tinitiyak naman niya na sapat ang mga pre-positioned na food packs sa MDRRM Palawan na 550 food packs habang nasa 2,000 food packs naman ang nakahanda mula sa DSWD.









