--Ads--

Narekober ng pinagsanib na pwersa ng 95th Infantry Battalion at 17th Infantry Battalion na kapwa nasa ilalim ng pangangasiwa ng 502nd Infantry Brigade, 5th Infantry Division, Philippine Army ang mga kontrabando sa umano’y dating pinagkutaan ng nabuwag na Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV).

Ang nasabing mga pampasabog ay may kakayahang magdulot ng matinding pinsala sakaling sumabog, dahilan upang ito ay agad na ilagay sa kustodiya ng mga otoridad para sa wastong dokumentasyon at tamang disposisyon.

Patuloy na nagsasagawa ng mga operasyon ang kasundaluhan upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng mga mamamayan sa buong rehiyon.