--Ads--

Tiniyak ng City Cooperative Office na may tulong mula sa kooperatiba na matatanggap ang mga magsasakang miyembro nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Cooperative Officer Sylivia Domingo, sinabi niya na nalulungkot ito sa sinapit ng mga magsasaka lalo at nakarating na sa kanilang tanggapan ang mga ulat hinggil sa mga magsasakang miyembro ng kooperatiba na naapektuhan ng kalamidad.

Dahil dito ay tiniyak niya na may nakahandang tulong ang bawat kooperatiba para sa mga apektadong magsasaka.

Ang kagandahan aniya sa kooperatiba ay ang pagkakaroon ng sistema ng tulungan tuwing may naaapektuhan ng kalamidad, maliban pa sa mga assistance na ibinibigay ng Department of Agriculture (DA).

--Ads--

Batay sa tala ng City Agriculture Office, mahigit 9 milyong halaga ng pinsala sa Agrikultura ang naitala sa Lungsod ng Cauayan.