Tiniyak ng Land Transportasyon Office (LTO) Cauayan na mahigpit ang kanilang ginagawang proseso bago magbigay ng mga OR/CR ng mga sasakyan. Kasunod nito ng ulat mula sa Highway Patrol Group (HPG) kung saan may ilang Rent a Car Owner na nagreklamo dahil isinanla ang kanilang pinapaupahan na sasakyan gamit ang mga bagong OR/CR.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LTO District Head, Deo Salud, mandato nilang dalhin ng sinumang kukuha ng OR/CR ang kanilang mga sasakyan upang ito’y ma-inspection bago bigyan ng nasabing dokumento. Bahagi ito ng mahigpit nilang patakaran na dalhin ang may ari ang kanyang sasakyan kung kukuha ng OR/CR.
Ayon kay hepe, upang maiwasan ang ‘renta, sangla, benta modus’ na kama-kailan ay naitala ng HPG group.
Aminado rin ito, na may nagpapanggap na empleyado ng LTO para makapang loko ng mga mamamayan.
Hinikayat din nito ang publiko na mismong sa opisina makipag-transaksyon upang sa ganoon ay maiwasang maloko.











