Ipinapanawagan ng mga Senior Citizens sa Isabela ang pantay-pantay na benepisyo para sa lahat ng Senior Citizen.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Ruben Tumbaga ang Senior Citizen Provincial Consultant, sinabi niya na katatapos lamang din ng Elderly week celebration isang pagdiriwang para sa kanilang mga senior citizen na ginanap sa Ampi theater sa City of Ilaghan na dinaluhan ng nasa 300 na mga senior citizens mula sa tatlong Siyudad sa Isabela.
Kasabay ng pagdiriwang ay nagkaroon ng talakayan kaugnay sa mga benepisyo para sa kanilang mga Seniors at kabilang dito ang Centinarian act.
Panawagan nila sa Pamahalaan ay ang pagbibigay ng nararapat ding benepisyo para sa lahat ng senior citizens partikular ang pagkakaloob ng cash gifts para sa mga elderly na may edad 80, 85, 90, 95 at 100.
Sa ilalim nito ay hindi kasi anya nabibigyan ng cash gifts ang mga mas matatandang senior kagaya ng mga edad 81 hanggang 84, 86 hanggang 89 at iba pa na tila hindi anya patas para sa ibang senior citizen
Aniya, bilang senior citizen ay hindi maiiwasang may mga pagkakataon na hindi rin nila natatanggap ang ilang benepisyo na nararapat para sa kanila lalo na ang 20% discount.
Ilan sa reklamo nila ay ang paghahanap ng Id mula sa National Commission ng ilang establisyimento gayong wala namang panuntunan kaugnay dito dahil ang tangin Id na tinatanggap para sa kanilang diskwento ay ang Id na mula sa OSCA o Senior Citizens ID.











