Patuloy ang paghina ng bentahan ng karneng baboy sa pamilihan ng lungsod nang Cauayan, dahilan upang mapilitan ang mga tindero na magpautang at humanap ng paraan upang hindi masayang ang kanilang paninda.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jimmy Barcelo, 30-taon ng nagtitinda ng baboy sa pamilihan ng Cauayan City, sinabi niyang kumukuha sila ng karneng baboy sa halagang P320 kada kilo at pinapatungan lamang ito ng P30 para sa kita.
Ngunit sa kabila nito, kakaunti na lamang ang mga namimili, kaya’t hirap silang maibenta ang paninda sa araw-araw.
Dagdag pa ni Barcelo, kapag hindi pa nauubos ay napipilitan na lamang silang ipautang ito at ang iba ay ginagawa na lamang nilang longganisa ang karne upang hindi masayang.
Habang patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin at mananatiling mababa ang demand, umaasa ang mga tindero sa diskarte tulad ng pagpapautang at pagproseso sa natirang karne upang mapanatili ang kanilang kabuhayan.











