Nagsimula na ang pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office II (FO2) sa mga residente ng mga coastal barangay ng Calayan na naapektuhan ng Bagyong #NandoPH noong Oktubre 8, 2025 kahapon, Oktubre 8.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng ₱10,080 na tulong pinansyal na magagamit sa muling pagbangon, pagsasaayos ng kanilang mga tahanan, at pagpapatuloy ng kabuhayan.
Ang distribusyon ng ayuda ay alinsunod sa direktiba nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian, na masiguro ang agarang pagdating ng tulong ng pamahalaan sa mga mamamayan, lalo na sa mga lugar na mahirap marating tulad ng Calayan.
Matatandaang nauna nang nakatanggap ng ₱10,000 na tulong pinansyal ang mga residente sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na suporta ng ahensya sa mga pamilyang naapektuhan ng magkakasunod na bagyo.










