--Ads--

Isang sunog ang naitala sa isang pribadong paaralan sa bahagi ng Dalupang St. District 2, Cauayan City ngayong gabi.

Ayon sa unang nakasaksi na si Gng. Raisy Cabanilla Lopez, ipinaalam umano sa kanila ng isang lalaking sakay ng motorsiklo na may nasusunog sa Piccoli Sognatori Academy, Inc.

Agad naman nila itong iniulat sa tanggapan ni Vice Mayor Benjie Dy III, na siya namang nagpaabot ng impormasyon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Cauayan.

Agad na rumesponde ang dalawang fire truck ng BFP Cauayan, kasama ang isa pang fire truck mula sa Chinese Chamber, upang maapula ang apoy.

--Ads--

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula umano ang sunog nang mag-overheat ang isang electric breaker sa loob ng silid-aralan, na naging sanhi ng mabilis na pagkalat ng usok sa gusali.

Idineklara namang fire out ang insidente bandang alas 6:20 ng gabi, at wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa naturang pangyayari.