Niyanig ng magnitude 7.6 na lindol ang karagatan ng Davao Oriental bandang alas-9:43 ng umaga nitong Biyernes, ika-10 ng Oktubre.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naturang lindol ay may lalim na 10-kilometer kung saan naramdaman din ito sa ilang mga karatig na lugar gaya ng Bukidnon, Cagayan de Oro City, at Iligan City.
Matapos ang pagyanig ay agad na nag-labas ng tsunami warning ang Phivolcs sa lalawigan ng Davao Oriental, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Eastern Samar, Southern Leyte, at Leyte.
Ayon sa ahensya, ang unang tunami waves ay maaaring maranasan sa pagitan ng 9:43 at 11:43 ngayong umaga.
Pinayuhan naman ng Phivolcs ang mga publiko pangunahin na ang mga nakatira malapit sa baybayin ng mga mga apektadong probinsiya na agad mag-evacuate o pumunta sa mataas na lugar upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente.









