--Ads--

Walang survivor na natagpuan matapos ang malakas na pagsabog sa Accurate Energetic Systems, isang planta ng military explosives sa Tennessee, ayon kay Humphreys County Sheriff Chris Davis. 18 ang naiulat na nawawala matapos ang insidente noong Biyernes.

Nawasak ang isang gusali ng planta, at kumalat ang debris sa lugar. Dahil sa presensya ng pampasabog sa lugar, naging mas delikado ang recovery operations. Ang FBI at iba pang ahensya ay gumamit na ng DNA at cellphone data para matukoy ang mga biktima.

Kinumpirma ng pamilya na kabilang sa mga nasawi si Melissa Dawn Stanford, 53-anyos na production supervisor. Hiling ng kanyang pamilya at ng iba pang biktima ang panalangin habang pinipilit nilang makabangon mula sa trahedya.

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng pagsabog, at magsasagawa ng mga kontroladong pagsabog sa lugar para sa kaligtasan.

--Ads--