Arestado ang isang High-Value Individual (HVI) sa ikinasang operasyon laban sa ilegal na droga na isinagawa ng City Intelligence Unit (CIU) ng Santiago City Police Office (SCPO) sa Barangay Mabini, Santiago City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Lei”, 39-anyos, babae, walang asawa, cashier, at residente ng Malibay, Pasay City.
Sa isinagawang buy-bust operation, nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 53.1 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱361,080.00.
Bukod dito, narekober din ang buy-bust money na binubuo ng dalawang tunay na ₱500 at ₱329,000 boodle money, pati na rin ang isang itim na Android phone.
Ang operasyon ay pinangunahan ng CIU ng SCPO bilang lead unit, katuwang ang Police Station 1 at Police Station 4 ng Santiago City Police Office at ang PDEA Quirino Provincial Office (QPO) ng Regional Office 2.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Santiago City Police Office ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa karampatang dokumentasyon at paghahain ng kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”











