--Ads--

Inaasahang makikinabang ang libu-libong magsasaka sa plano na itatayong grain complex sa lungsod ng Cauayan.

‎Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang panlungsod Rufino Arcega, sinabi niya na nakapasa na sa Sangguniang Panlungsod ang proyekto at malapit nang ilagay sa bidding, tanda na unti-unti nang umuusad ang implementasyon ng nasabing pasilidad.

‎Dagdag pa niya, ang proyektong ito ay nakatuon sa Cauayan City, na siyang magiging sentro ng operasyon.

‎Bagamat Ilan pang mga phases ang kailangang pagdaanan bago ito ganap na matapos, ngunit tiwala siyang malaki ang maiaambag nito sa lokal na agrikultura.

‎Ang grain complex ay inaasahang magiging sentro ng post-harvest processing, gaya ng pagpapatuyo, imbakan, at packaging ng mga ani ng mga magsasaka, lalo na ng palay.

‎Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng mas malawak na layunin na paigtingin ang suporta sa sektor ng agrikultura, na pangunahing kabuhayan sa rehiyon.

‎Bagamat matagal nang nasa plano, ngayon pa lamang ito maipatutupad sa ilalim ng kasalukuyang programa ng pamahalaang lungsod.
‎‎