--Ads--

Nagpaalala ang Pamahalaang Panlungsod ng Ilagan sa publiko na maging handa sa anumang sakuna.

Ito ay matapos matupok ng apoy ang isang bodega sa Barangay Calamagui 1st City of Ilagan, kahapon Oktubre 13.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vice Mayor Jay Eveson Diaz ng Ilagan City, sinabi niya na tiyaking naka-save sa cellphone ang hotline number ng Bureau of Fire Protection, Rescue, at PNP upang agad na makatawag kapag may emergency.

Kung matatandaan, umabot sa labindalawang fire trucks mula sa iba’t ibang himpilan ng BFP sa mga karatig bayan at lungsod ang nagtulung-tulong upang apulahin ang sunog na umabot ng ikatlong alarma, katuwang ang tatlong Chinese Chamber fire volunteers.

--Ads--

Ayon sa Bise Alkalde, mabuti na lamang at naging maagap ang pag-responde ng mga bumbero dahil hindi na nadamay pa ang mga katabi nitong establishimento na pawang mga bodega rin.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng BFP Ilagan ang sanhi ng nasabing sunog.