--Ads--
Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng isang 38-anyos na lalaking mahigit dalawang linggo nang nawawala sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya.
Ayon sa ulat, natagpuan ng pinagsanib na puwersa ng RMFB2, Sta. Fe PNP, BFR-SRU, MDRRMO, at Philippine Army ang labi ng biktima noong hapon ng Huwebes sa isang matarik na bahagi ng kabundukan, tinatayang limang kilometro ang layo mula sa barangay hall ng Atbu.
Huling nakita ang biktima noong Setyembre 24 habang paakyat ng gubat kasama ang isang kaibigan.
Iniulat ang kanyang pagkawala makalipas ang dalawang linggo. Ayon sa pamilya, hindi na isinailalim sa autopsy ang katawan, dahil naniniwala silang ang sakit niyang epilepsy ang naging sanhi ng kamatayan.
--Ads--
Source: RMFB 2






