--Ads--

Naglabas ng pahayag ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO Jones matapos masangkot sa aksidente ang isa sa kanilang emergency vehicle sa Echague, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jonas Tiburcio ang MDRRM Officer ng Jones, Isabela, sinabi niya na hindi naman sila nag kulang sa paalala sa mga driver’s ng ambulansiya na manatiling defensive driver.

Tugon ito ng MDRRMO Jones matapos masangkot ang isa nilang rescue vehicle sa aksidente na ikinasugat ng isang buntis sa Echague, Isabela.

Aniya ang mga driver nila ay sumasailalim na Ambulance Management Training maliban pa sa assestment na isinasagawa ng MDRRMO.

--Ads--

Sa ngayon plano nila nai-refresh ang mga driver’s ng rescue vehicle sa mga nararapat nilang gawin.

Handa naman sila na magsagawa ng karagdagang imbestigasyon para malaman ang naging sanhi ng aksidente.

Samanatala, aminado ang MDRRMO Jones na nakakapagtala parin sila ng mga aksidente sa lansangan sangkot ang mga single motorcycles.

Sa ngayon bahagyang bumama ang bilang ng mga naitatalang aksidente kumpara nitong nagdaang buwan ng Hulyo na ang pangunahing dahilan ay ang mga aggressive driver at drunk drivers.