--Ads--

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Cabatuan Police Station ang Number 3 Most Wanted Person Provincial Level na kinilalang si alias “Mark”, na nahaharap sa kasong Rape in relation to Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.”

Ayon sa ulat ng Cabatuan Police Station, isinagawa ang operasyon noong Oktubre 13, 2025 sa Brgy. Cattaran, Solana, Cagayan, na nagresulta sa pagkakadakip ng 34-anyos na suspek, isang magsasaka, may asawa, at residente ng Brgy. Rang-ay, Cabatuan, Isabela.

Ang pagkakaaresto ay base sa Mandamiento De Aresto na inilabas ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 20, Cauayan City, Isabela noong Oktubre 6, 2025, sa ilalim ng Criminal Case No. 20-14512, kung saan walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Sa pagsasagawa ng operasyon, maayos na ipinaalam ng mga awtoridad kay alias “Mark” ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine.

--Ads--

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Cabatuan Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon bago ito i-turn over sa kaniyang court of origin.