--Ads--

Pinuna ng Public Order and Safety Division ang mga nakatiwangwang na road construction sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na lubhang delikado para sa mga motorista ang mga road construction na walang maayos na signages.

Aniya, ilan sa mga problema nila ay ang mga inaayos na daan sa Ipil at Bucag Street sa Lungsod na iniwan na lamang umano na nakatiwangwang na wala man lang warning signs.

Aniya, marapat lamang na tiyakin ng mga contractor na kumpleto ang mga ito sa signages at blinkers upang maiwasan ang aksidente lalo na sa gabi.

--Ads--

Nirekomenda rin niya ang paglalagay ng flagmen sa bawat road construction upang umasiste sa daloy ng trapiko.

Dahil sa pagbigat ng daloy ng trapiko na nararanasan sa lungsod ay pinag-aaaralan na nila ang mga posibleng rerouting upang maibsan ang daloy ng trapiko lalo na tuwing rush hour.