--Ads--

Nakatakdang repasuhin ng Kamara de Representantes ang patakaran kaugnay sa pagsasapubliko ng Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs) ng mga miyembro nito.

Sa isang panayam, inihayag ni Speaker Faustino Dy III na handa itong manguna sa pagsasapubliko ng SALN upang maging halimbawa sa iba.

Aniya, mayroong mga impormal na talakayan ang mga miyembro kaugnay ng pagbubukas ng SALN at bukas umano ang nakararami sa ideya na ito.

Kamakailan ay naglabas ng direktiba si Ombudsman Jesus Crispin Remulla upang mas maging madali ang pagkuha ng publiko ng kopya ng SALN ng mga opisyal ng gobyerno.

--Ads--

Sinabi ni Dy na sa mga nagdaang Kongreso ay isinasapubliko ang SALN ng mga kongresista at dapat itong ibalik.