--Ads--
Isang 11-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos tamaan ng kidlat sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Hacienda Consolacion Limhap, Barangay Granada, Bacolod City, Negros Occidental dakong alas-3:40 ng hapon, nitong Miyerkules, Oktubre 15.
Ayon kay Kapitan Vito, tinamaan sa dibdib ang bata, nasunog ang likurang bahagi ng kanyang buhok, at nadamay rin ang suot niyang short pants.
Dahil dito, plano ng kapitan na kumonsulta sa mga eksperto upang alamin kung may mga elementong maaaring umaakit sa kidlat sa nasabing lugar, at upang makagawa ng mga hakbang na makakaiwas sa pag-uulit ng ganitong insidente.









