--Ads--



‎Tinitiis ng mga tindero sa pamilihang ng Cauayan ang matumal na kita habang nananatiling nasa ₱200 kada kilo ang presyo ng manok.

Sa kabila ng pagtaas ng gastusin, pinipili nilang huwag magtaas ng presyo dahil baka tuluyang mawalan ng mamimili.

‎Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Junior Palattao, 29 taon nang nagtitinda sa palengke, sinabi nitong umaasa sila na babawi sa pagpasok sa buwan ng Disyembre.

‎Ikinumpara ni Palattao ang kasalukuyang sitwasyon sa mga nakaraang taon kung saan ramdam na agad ang pagdagsa ng mamimili pagsapit ng Ber months. Ngunit ngayon, matumal pa rin ang bentahan kahit pumasok na sa buwan Oktubre.

‎Ayon sa kanila, halos wala nang natitirang tubo matapos mabayaran ang puhunan at mga gastusin sa araw-araw.

‎Patuloy na nagtitinda ang mga tulad niya sa kabila ng kawalan ng katiyakan, sa pag-asang muling dadagsa ang mamimili sa pagpasok ng Kapaskuhan.