Nag-iwan ng payo ang isang psychologist sa mga nakakaranas ng mental health concerns na huwag magdalawang isip na humingi ng tulong kung kinakailangan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Kathereen Custodio Joson isang Psychologist mula sa Isabela State University Ilagan-Campus, sinabi niya na abala sila sa pagpapalaganap ng mental health awareness maliban sa psychotherapy at counciling session na ipinagkakaloob nila ng libre.
Aniya, hanggang sa kasalukuyan hindi parin naaalis ang stigma kaugnay sa mga nakakaranas ng mental health gaya ng depression, at anxiety, subalit sa pamamagitan ng mga hakbang na kanilang ginagawa unti-unti itong nababawasan.
Batay sa kanilang talaan marami paring mga kabataan at mga estudyante ang nagkakaroon ng mental health concerns na kanilang nakakausap.
Ilan sa mga factor na nakaka apekto sa mental health ay ang academic stress o academic pressure, unstable family relationships at kawalan ng suporta mula sa support group kabilang ang kanilang Pamilya.
Sa katunayan ay may kasalukuyan silang programa kung saan nagkakaloob sila ng libreng gamutan para sa mga kabataan na nangangailangan na sumailalim sa therapy.
Nagbahagi naman siya ng practical tip para sa nakakaranas ng mental health ito ay ang acknowledgement of once emotion para malaman kung paano i-manage ang isang emosyon, manatiling malusog, maging aktibo, at maging bukas o makipag-usap sa mga kaibigan, manatili o mag-focus sa kasalukuyan, magtakda ng livable goal at humingi ng professional health kung kailangan.







