Sugatan ang isang guro na si Elizabeth Mandreza matapos barilin sa loob ng Tanauan School of Craftsmanship and Home Industries sa Barangay Canramos, Tanauan, Leyte.
Nagtamo ng tama ng bala sa kanang balikat ang biktima matapos barilin ng suspek gamit ang cal. 38 revolver.
Agad namang isinugod ng mga kasamahan ng biktima sa ospital para lapatan ng lunas.
Matapos ang pamamaril, itinapon ng suspek ang baril at nagtangkang saktan ang sarili gamit ang isang balisong bago siya nadakip ng mga rumespondeng pulis.
Ayon sa initial investigation asawa ng biktima ang suspek na si Adan Mandreza sa pamamaril.
Tinitingnang motibo sa insidente ang umano’y “affair” ng biktima sa ibang lalaki.
Nasa kustodiya na ng Tanauan Municipal Police Station ang suspek at nakatakdang samapahan ng kasong frustrated parricide.











