--Ads--

Tuluyan nang naging isang tropical depression ang Low Pressure Area  na minomonitor ng Weather bureau sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,145 km silangan ng Southeastern Luzon at pinangalanang Bagyong Ramil. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55km/h. Mabagal ang pagkilos nito pakanluran timog kanluran.

Sa kasalukuyan, isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind signal no. 1 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Easternmost portion ng Quezon (Tagkawayan), Camarines Norte, Catanduanes, Camarines Sur, Albay, at northern and eastern portions ng Sorsogon (Donsol, Pilar, Castilla, City of Sorsogon, Gubat, Prieto Diaz, Casiguran, Barcelona, Bulusan)

--Ads--

Sa Visayas, Signal no. 1 din sa eastern portion of Northern Samar (Laoang, Catubig, Palapag, Mapanas, Gamay, Lapinig, Pambujan, San Roque).

Inaasahang kikilos pa-kanluran si Bagyong Ramil hanggang bukas (Oktubre 18) bago kumilos pa-kanlurang hilagang-kanluran patungong Central-Southern Luzon. Posibleng dumaan ang sentro ng bagyo malapit sa Catanduanes bukas ng umaga o hapon, at mag-landfall sa Aurora o Quezon sa Linggo (Oktubre 19) ng umaga o hapon.

Kung lilihis sa gawing timog ang direksyon ng bagyo, maaaring magbago ang lugar ng landfall at mas maraming lugar ang mapasailalim sa Wind Signal.

Matapos ang landfall, tatawirin ni Ramil ang mga mabundok na bahagi ng Northern o Central Luzon at lalabas ng West Philippine Sea pagsapit ng Linggo ng hapon o gabi, at posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes (Oktubre 20) ng umaga.

Samantala patuloy pa rin naman ang epekto ng Easterlies sa Metro Manila, Bicol Region, Eastern Visayas, mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Aurora, Bulacan, Rizal, Laguna, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Aklan, at Capiz kung saan nagdudulot ito ng maulap na papawirin na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.

Ang Ilocos Norte, Batanes, at Babuyan Islands naman ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may panaka-nakng pag-ulan na epekto naman ng Northeasterly Windflow.

Ang natitirang bahagi ng Luzon ay makakaranas ng kahalintulad na panahon na epekto pa rin ng mga kaulapang dala ng Easterlies.

Ang natitirang bahagi ng ating bansa ay makakaranas din ng kahalintulad na panahon na epekto lamang ng mga localized thunderstorms lalo na sa dakong hapon ng gabi kung kailan mararanasan ang mga pag-ulan sa ilang lugar.