--Ads--

Natanggap na ng Senado ang digital copy ng inaprubahang General Appropriations Bill (GAB) ng panukalang pambansang budget sa 2026.

Ayon kay Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian, ito ay naka-upload na sa website ng Kamara kasama ang mga annex.

Padadalhan din ng usb ng digital copy ng GAB ang senador.

Ito aniya ang unang pagkakataon na inupload at pinadala ang GAB sa digital format kumpara noon na apat na volumes ng 2026 National Budget ang pinapadala sa mga senador na kanilang pinagpapasahan para pag-aralan.

--Ads--

Ang pagbabagong ito, ayon kay Gatchalian, ay naaayon sa pinagtibay na Senate Concurrent Resolution no. 4 kung saan pina-a-upload sa website ng Kamara at Senado ang lahat ng bersyon ng inaprubahang panukalang budget.