Muling nagpamalas ng galing si PCpl Randolph Maraggun, mula Cauayan City Police Station, matapos niyang masungkit ang gintong medalya sa Karatedo -84kg Individual Kumite event ng Philippine Uniformed Services Sports League (PUSSL) 2025, na ginanap sa Jurado Hall, Philippine Navy Gym, Taguig City.
Bago pa man maging alagad ng batas, si PCpl Maraggun ay naging miyembro ng Philippine National Karate Team at nagtapos ng Criminology sa Isabela State University – Cauayan Campus.
Mula nang siya ay mapabilang sa PNP Class “Nabileg” 16-01, ipinagpatuloy niya ang kanyang pagsasanay sa larangan ng karatedo.
Bilang pangunahing atleta ng PNP Karate Team, nakapag-uwi siya ng iba’t ibang medalya mula sa mga lokal at internasyonal na kompetisyon.
Sa PUSSL 2025, lumahok ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang uniformed agencies gaya ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy, at Bureau of Fire Protection (BFP).











