--Ads--

Napanatili ng bagyong Ramil ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pa-kanluran sa Philippine Sea.

Ang sentro ng Tropical Depression Ramil ay namataan sa layong 370km silangan ng Juban, Sorsogon.Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55km/h malapit sa gitna, at bugso ng hangin na hanggang 70km/h. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 30km/h.

Sa kasalukuyan, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Sa Luzon, kabilang sa mga apektado ang mga bayan sa timog bahagi ng Cagayan (Tuao, Rizal, Piat, Solana, Enrile, Tuguegarao City, Peñablanca, Baggao, Iguig, Amulung, Santo Niño, Alcala), buong Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, timog bahagi ng Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, ilang bahagi ng Ilocos Norte at Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, silangang bahagi ng Bulacan, Tarlac, at Pampanga, hilaga at silangang bahagi ng Quezon (kabilang ang Polillo Islands), Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, at Ticao Island.

--Ads--

Sa Visayas, apektado naman ang buong Northern Samar, hilagang bahagi ng Eastern Samar, at hilagang bahagi ng Samar.

Ayon sa forecast, ang Bagyong Ramil ay kikilos pa-kanluran hilagang-kanluran patungong Central at Southern Luzon. Inaasahang magla-landfall ito sa Catanduanes ngayong hapon o gabi, pagkatapos ay posibleng dumaan malapit o sa mismong bahagi ng Bicol Region, at muling magla-landfall sa Aurora o Quezon bukas ng umaga, Oktubre 19.

Pagkatapos ng landfall, inaasahang tatawid si Ramil sa kabundukan ng Northern at Central Luzon at lalabas sa West Philippine Sea bukas ng hapon o gabi. Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes, Oktubre 20 ng umaga.